Make Love. Make Music.

RUSSEL, 20, In a relationship, Tomasino :)
I LOVE BANDS!
PARAMORE
URBANDUB
FRANCO
TYPECAST
Marunong akong tumugtog ng gitara :)
I can compose songs especially if I am inspired..
Kung gusto mo gawan kita ng kanta :)
RF: Frustrated singer ako! :|
Engineering is hard, but life is harder without Engineering. Oha! Kaya kapit lang! :D
May gusto ka pa bang malaman? Tanong ka lang :)


 

Parang ampogi ko dito. Haha!

Parang ampogi ko dito. Haha!

Unplanned Budget Summer Trip: Nasugbu, Batangas

Nagsimula ‘tong idea na ‘to kasi ayaw daw ni Trisha matulog dun sa dorm nila. Ang original na plano ay overnight lang sa resort. Naghanap ako sa net ng mga budget resorts sa Laguna, Quezon, Batangas at Bataan. Ang budget ko lang sana ay 2000 lang para sa’min na yung dalawa. Accommodation, fare at pagkain. Plus extra 1000 for emergency purposes. Pero nung nagusap na kami ni Trisha, ang naging plano ay overnight sa Tagaytay kasi may murang room for rent daw dun at kinabukasan ay pupunta sa Batangas.

Papuntang Tagaytay ay nagbus kami sa Coastal. Past 9pm na ata kami nakarating sa terminal kasi dumaan pa kami sa SM. At dahil nga hindi ‘to planado, kinailangan ko bumili ng tsinelas, toothbrush at sunblock lotion. 74 php per person ang pamasahe sa bus galing Coastal papuntang Olivarez, Tagaytay. Less than dalawang oras lang ang biyahe papunta dun. Pagdating sa Olivarez, kadalasan naman ay may mga tricycle driver na dun na nag-aalok ng room for rent. Kung may budget naman kayo, madami naman na hotel dun. Tanong tanong na lang kayo sa mga drivers.

May isang tricycle driver agad ang nag-alok sa’min ng room for rent. Nasa 700-1000 daw ang presyo. E di go naman kami. Sa may unahan lang ng Picnic Grove yung lugar. 60 php ang bayad sa tricycle. Wag papaloko! Nung una kaming pumunta dun, 100 php ang singil sa’min. Pagdating dun sa lugar, 900 php na lang ang pinakamurang kwarto. May kasamang maliit na cable-tv, double-sized bed, toilet, hot and cold water dispenser at wifi.

Worth it ba yung 900? Para sa’kin hindi. Sira yung flush sa cr at sira din yung gripo. Pero given na peak season naman, pwede na. Hindi na nga namin nagamit yung electric fan dahil malamig na e. Note: ‘Di na kami nakapili ng matutulugan dahil nakakahiya sa tricycle driver. Parang tropa niya yung may-ari nung mga kwarto e. Pero along the road ay madaming room for rent dun.

Kinaumagahan, kumain lang kami saglit at nagtricycle ulit papuntang Olivarez at dun kumain ng lunch. Again, 60 php ang pamasahe. Dun na din kami nag-abang ng bus na papuntang Nasugbu, Batangas. Less than 2 hours din ang buyahe. 77 php per person ang pamasahe. Pagdating sa terminal, may mga tricycle din dun. Sabihin niyo lang kung san pupunta. Nagpalipat-lipat kami ng resort kasi nga on a budget lang kami. Pagkatapos ng mahabang lakaran at tawaran, napunta kami sa Vitug Resort. Actually nag-iisip kami kung Vitug o Maryland. Pero mas pinili namin ang Vitug kasi mas tahimik at wala masyado tao. Siguro 5pm na kami nakarating dito.

Yung kwarto namin ay worth 1200 php. Yun na din yung pinakamurang kwarto nila. Na sabi nila ay 1500 talaga. Wala akong picture ng kwarto kasi ‘di ko talaga gusto. Siguro 2mx3m lang ang sukat tapos may isang double-sized na kama, ceiling fan, mesa at upuan. Sira din yung lock ng pintuan. Mahirap ilock or unlock. Maraming cottages sa resort. Meron din swimming pool.

View sa labas ng kwarto namin.

Fail yung sunset. Haha. Lumubog na talaga yung araw e.

Panoramic view nung beach.

Other photos.

Worth it ba yung 1200? Para sa’kin hindi. Di ganun kaganda yung kwarto e. Yung swimming pool, parang hindi napapalitan yung tubig. Hindi kasi running e. Stagnant lang. So malaki ang chance na matagal na yung tubig dun. Yung beach area, medyo madumi din. Pero yung pinakaayaw ko talaga ay yung cr. Parang hindi namemaintain e. Wala pang toilet seat. Babalik ba ako dito? Sa ngayon, hindi muna siguro.

Para sa dinner, bumili na lang kami ng pagkain sa labas. Barbecue, hotdog itlog na maalat at kamatis ulam namin.

Kinaumagahan, nagtampisaw ulit kami sa beach saglit at nag-ayos na ng gamit. Nagtricycle kami papuntang terminal which costs 20 php. Namili na rin kami dun ng mga pagkain para ‘di magutom sa byahe. Pauwi, sumakay kami ng bus papuntang Pasay. 155 php per person ang pamasahe. Nasa tatlong oras din ang byahe. Bumaba kami sa terminal sa Pasay malapit sa LRT at Metropoint. Dun na din kami kumain ng lunch.

Tips:
1. Magdala ng pagkain at tubig. Madaming pagkain at tubig.
2. Magdala ng gamot. Para sa sakit ng ulo, sakit sa tiyan, ngipin, biyahilo o anupaman. Mas maganda nang handa.
3. Magdala ng toiletries.
4. Makipagtawaran.
5. Magplano muna. Mas maganda kung alam niyo talaga kung san kayo pupunta. Research kayo sa net ng mga lugar. Meron din apps tulad ng TripAdvisor at Looloo. Magbasa din ng reviews tungkol sa lugar na pupuntahan.
6. Pag-ipunan. Magdala ng pera! Kung gusto niyo talaga ng magandang bakasyon, siguro nasa 2500 per person ang dapat na budget.
7. Kung pupunta kayo sa Nasugbu, sabi dun daw maganda sa white sand. Magbabangka kayo papunta dun.

(Source: aceniisay)

How she met my mother…. And father. Hahaha!

How she met my mother…. And father. Hahaha!

Ganda ng theme ko. Haha!

Ganda ng theme ko. Haha!

National Siblings Day pala kahapon? Haha. O pahabol! :))

National Siblings Day pala kahapon? Haha. O pahabol! :))

Good morning, Tagaytay! :) (at Tagaytay City)

Good morning, Tagaytay! :) (at Tagaytay City)

Part 2 ng selfie video. Haha. The best si Sir Bau!